^

PSN Palaro

Mancom Dumaan Sa Tamang Proseso-Cercado

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Masusing binusisi ng NCAA Management Committee ang gulong nangyari sa pagitan ng San Beda men’s basketball team at San Sebastian women’s volleyball team noong Dis­yembre para magkaroon ng matibay na basehan sa inilabas na kaparusahan.

Ito ang inihayag ni Mancom Chairman Ramon Cercado ng host University of Perpetual Help para pabulaanan na hindi dumaan sa tamang proseso ang isinagawang imbestigasyon na nagresulta sa pagkapataw ng two-year suspension kina Red Lions basketball coach Frankie Lim at Lady Stags volleyball mentor Roger Gorayeb.

Bukod pa ito sa ilang araw na suspension na ibi­nigay sa mga San Beda players na pumasok at na­kisuntok na nagpalala sa sitwasyon.

“We had 35 witnesses whom we interviewed. They showed us eviden­ce like pictures and videos that are all authenticated. Kaya tumagal ang im­bes­tigasyon dahil tiningnan na­min ang lahat ng anggulo,” wika ni Cercado na si­namahan ni Jose Rizal University Mancom representative Paul Supan sa PSA Forum sa UN Avenue sa Manila kahapon.

Tinawag ni Lim na malis­yoso at hindi makataru­ngan ang ipinataw sa kanila ni Gorayeb na two-year suspension dahil inalisan na ng NCAA ng karapatang makapaghanap buhay ang dalawang mentor.

Pero ipinaliwanag din ni Cercado na tali ang ka­nilang mga kamay dahil sa mga batas na kanilang si­nusunod sa NCAA.

“We recommended that rules be ammended but until such time, they stay as law. It might be harsh but its still the law. Our hearts bleeds for Frankie and to San Beda but we got a tasked to do and we have to do it. I think we have done superbly on the tas­ked given to us,” dagdag pa ng Mancom head.

Ang rekomendasyon ng Mancom ay agad na kinatigan ng Policy Board na mga pangulo ng ka­sa­ping paaralan na ang karamihan kung hindi lahat ay taong simbahan.

Suportado rin nina Cer­­cado at Supan ang pla­no ng San Beda na uma­pela dahil ito ang tamang pro­seso at tiwala silang aaksyon ng tama ang Policy Board na anila ay mga taong may puso at makatarungan.

Magkakaroon ng turnover ceremony ang liga sa Huwebes at ililipat na ng Perpetual Help ang hosting sa Letran.

vuukle comment

CERCADO

FRANKIE LIM

JOSE RIZAL UNIVERSITY MANCOM

LADY STAGS

MANAGEMENT COMMITTEE

MANCOM

MANCOM CHAIRMAN RAMON CERCADO

POLICY BOARD

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with