Bradley handa na sa kasikatan

MANILA, Philippines - Ang pakiki­pag­harap kay Manny Pacquiao ang ma­gi­ging pinakamala­king laban ni Timothy Bradley, Jr. At ina­asahang sisikat din siya kagaya ng mga naunang nakalaban ni ‘Pacman’.

Kaya naman sa pagkakasama niya sa undercard ng ‘tri­logy’ nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong Nobyembre 12 ay inihanda na ni Bradley ang kanyang sarili para sa posibleng pagsikat niya sa ibabaw ng boxing ring.

“It definitely prepared me for all the cameras and the things like that. I got a little taste of that, so I’m over than,” sabi ng 28-anyos na si Bradley. “I overcame that, so now I’m the main attraction it’s not going to be any different than what it was.”

Tinalo ni Bradley si Joel Casamayor ng Cuba via eight-round stoppage sa undercard ng nasabing Pacquiao-Marquez III.

“It’s just the fact that I’m fighting the last fight of the night as the main attraction, and that’s pretty much it. I think it’s the perfect timing,” wika ni Bradley, tinalo ang huling dalawang nakalabang kaliwete.

Sa Hunyo 9 ay nakatakdang hamunin ni Bradley (28-0-0, 12 KOs) si Pacquiao (53-3-2, 38 KOs) para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang American challenger ang kasalukuyang WBO light welterweight titlist.

Sumasakay si Pacman sa isang 16-fight winning streak at ang huli niyang naitalang knockout ay noong Nobyembre 2009 laban kay Miguel Cotto na kanyang inagawan ng WBO welterweight title via 12th-round TKO.

Show comments