Cardona napansin na

MANILA, Philippines - Umasa si Meralco head coach Ryan Gregorio na mapapansin din ang kontri­busyon ni Mac Cardona sa kanilang kampanya sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup.

Mula sa kanyang ka­bayanihan sa da­lawang magkasunod na panalo ng Bolts, hinirang ang tinaguriang ‘Captain Hook’ bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week na ibi­nigay sa isang Meralco pla­yer sa kauna-unahang pagkakataon.

“I was really hoping that his exploits would be recognized,” wika ni Gregorio kay Cardona na kanilang hinugot mula sa Talk ‘N Text noong Agosto ng 2010 kapalit ng kanilang first round draft pick.

Maaaring maraming nayayabangan sa 30-anyos na dating La Salle Green Archer dahil sa kanyang ikinikilos sa loob ng basketball court.

Pinatahimik ni Cardona at ng Meralco ang Barangay Ginebra matapos kunin ang 89-80 panalo noong nakaraang Miyerkules at nagbida din sa kanilang 93-84 tagumpay kontra sa Rain or Shine noong Linggo.

Nagposte ang 6-foot-2 na si Cardona ng mga ave­rages na 7.0 rebounds, 2.5 assists at 1.5 steals sa naturang dalawang panalo ng Bolts.

Show comments