^

PSN Palaro

Krusyal na laban

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - May ilalabas pa ang Phi­lippine Azkals.

Ito ang binanggit ni Azkals coach Hans Michael Weiss na senyales na may kakayahan pa ang kopo­nan na gulatin ang mas malakas na Tajikistan sa kanilang krusyal na pagtu­tuos sa pagtatapos ng 2012 AFC Challenge Cup group elimination ngayon.

 Ang labanan sa Halchowk Stadium sa Kathmandu, Nepal ay itinakda sa ganap na alas-5 ng ha­pon at ang mananalo ang siyang makakasama ng nagdedepensang North Korea sa semifinals mula Group B.

Nabuhay pa ang laban ng Pilipinas na maalpasan ang eliminasyon matapos ang 2-0 panalo sa India no­ong Linggo.

Si Phil Younghusband ang siyang nagbida sa Az­kals nang angkinin ang da­lawang goals habang ang goalie na si Neil Etheridge ang nanguna sa depensa ng koponan para maitabla ang karta sa 1-1 at umani ng 3 puntos na siya ring ba­raha ng Tajikistan.

Matapos manalo sa In­dia (2-0), bigo ang Tajik booters sa North Korea, 2-0, upang maitakda ang knockout game na ito.

Sakaling walang ma­ka­­iskor matapos ang 90-minutong bakbakan, ang laro ay mauuwi sa pe­­nalty shootout upang ma­determina kung sino ang aabante sa semis na magsisimula sa Marso 16.

 “The win has provided much needed confident to us ahead of the important match against Tajikistan,” wika ni Weiss na nagdiwang ng kanyang ika-52 kaa­rawan noong Linggo.

Naniniwala rin ang German coach na may lalabas pang Azkals upang balikatin ang koponan para sa mahalagang laban na ito.

“Some players are still adjusting with the high al­ti­tude problem and jet lag­ged. I expect more from the squad and I can say that this team can play much bet­ter game than what we showed against India,” dagdag pa ni Weiss.

Ang Tajikistan na mas mataas ng 11 ranggo sa Pilipinas sa FIFA ranking sa kanilang 145, ay tiyak din na gagawin ang lahat ng makakaya upang manalo at mapanatili ang mataas na pagtingin sa bansa kung paglalaro sa Challenge Cup ang pag-uusapan.

 Hindi pa nakakasali sa World Cup, malakas na puwersa naman ang Tajikis­tan dahil sila ang kampeon sa unang edis­yon noong 2006 bago pumangalawa at pumangatlo noong 2008 at 2010 edisyon.

Kung may isang plus factor para sa Azkals, ito ay ang kapansin-pansin na pagbaba sa tinapos ng Tajik booters mula noong 2006.  

ANG TAJIKISTAN

AZKALS

CHALLENGE CUP

GROUP B

HALCHOWK STADIUM

HANS MICHAEL WEISS

LINGGO

NORTH KOREA

SHY

TAJIKISTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with