MANILA, Philippines - Susuportahan ng wireless leader na Smart Communications, Inc. (Smart) ang kauna-unahang All-Women Ultramarathon race.
Ang Smart lamang ang tanging telco na kasama sa karerang inorganisa ng Cebu Ultra Runners Club at ng Ungo Runners Club bilang bahagi ng pagdiriwang ng women empowerment at ng “International Women’s Month”.
Ang ultramarathon ay mas mahaba ang distansya kumpara sa traditional marathon length na 42.195 kilometers.
Nakatakda sa Marso 10 sa Cebu, ito ang unang ultramarathon race ngayong taon at una ding all-female ultramarathon sa bansa.
“We are proud to be part of the country’s first all-women ultramarathon. This is in line with Smart’s commitment to help fuel sports enthusiasm among Filipinos, and at the same time, celebrate the achievements of women,” sabi ni Maria Jane Paredes ng Smart’s Public Affairs sa Visayas at Mindanao.
Humigit-kumulang sa 180 women ultramarathon runners mula sa Cebu, Metro Manila, Davao at iba pang siyudad ang kasali sa karera bukod pa sa Smart’s running club na Samahang Mananakbo ng Smart o SMS.