MILWAUKEE--Nilansi ni Derrick Rose ang depensa ni Brandon Jennings para sa kanyang winning shot kasabay ng pagtunog ng final buzzer.
Isinalpak ng reigning league MVP ang kanyang off-balance shot sa loob lamang ng 3-point line upang ilusot ang Chicago Bulls laban sa Milwaukee Bucks, 106-104, tampok ang kanyang 30 points.
“It was like a kid, all the things that you dream about,” sabi ni Rose.
Pinagkaguluhan si Rose ng kanyang mga kakampi matapos ang kanyang winning shot kasabay ng pagsigaw ng mga Bulls fans kay Rose ng “M-V-P!”
Nagdagdag naman si Joakim Noah ng 20 points at 10 rebounds para sa Bulls na nakuha ang kanilang pang walong sunod na panalo.
Inakala ni Jennings at ng Bucks na sasalaksak si Rose dahil sa pangit nitong outside shooting.
Naglista si Ersan Ilyasova ng career-high 32 points para sa Milwaukee at nagdagdag naman si Drew Gooden ng season-high 27 points.
Pinuwersa ng Bulls si Jennings sa 11 points mula sa kanyang 4-for-18 fieldgoal shooting.