^

PSN Palaro

Johnson, 4 pa sinuspindi ng ABL

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinagbayad ng pamunuan ng ASEAN Basketball League (ABL) ang mga manla­larong nagsapakan sa idinaos na AirAsia Philippine Patriots at San Miguel Beermen noong nakaraang Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Mas mabigat ang inabot ng Patriots dahil tatlong manlalaro na sina import Anthony Johnson, Eric Rodriguez at Ardy Larong ang mga suspindido at pinagmulata pa habang sina Aries Dimaunahan at Jun Jun Cabatu ay may ganito ring kapa­rusahan sa Beermen.

Matatandaan na napatalsik sa laro sina Johnson at Dimaunahan nang sakalin ng una ang huli habang gumanti ng suntok ang Beermen sa Patriots import nang paghiwalayin.

Ang aksyon ni Johnson ay matapos hatawin siya ni Dimaunahan habang nagtatangka ng isang lay-up.

Sina Rodriguez at Cabatu ay nasuspindi nang nakita ang masamang inasal matapos magsuguran ang mga manlalaro sa magkabilang panig habang si Larong ay pinatawan ng suspensyon sa inasal matapos mabigyan ng unsportsmanlike foul sa naunang yugto ng bakbakan.

Ang mga nasuspindi ay makakapag- laro pa sa kanilang mga koponan sa pagharap sa hiwalay na laro sa Sabado dahil epektibo ang kaparusahan sa sunod nilang laro sa susunod na linggo.

vuukle comment

ANTHONY JOHNSON

ARDY LARONG

ARIES DIMAUNAHAN

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

DIMAUNAHAN

ERIC RODRIGUEZ

JUN JUN CABATU

PHILIPPINE PATRIOTS

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with