^

PSN Palaro

2 Gold Sa Gensan Boxer

-

TAGBILARAN, Bohol, Philippines - Inangkin ng Team Ge­neral Santos ang dalawa sa tat­long gold medals na na­kalatag sa 2012 PLDT-ABAP National Boxing Amateur Championship dito sa Cogon gym.

Dinomina ng magkapatid na Jake at Jade Bornea ang kanilang mga kalaban para tabunan ang 9-12 kabiguan ng kanilang kakamping si Regel Lou Alde kay Junrel Jimenez ng Cebu sa 46-kilogram junior boys pinweight division.

 Tinalo ni Jake si Bryan Remedio ng Mandaue, 14-4, habang giniba ni Jade si Davao del Norte bet Charnie Jun Magsayo, 21-10, sa 50kg boys flyweight category sa final round.

 Kinuha ni Jake ang 5-3 lamang laban kay Remedio sa first round patungo sa kanyang 10-3 abante sa second round.

 Bago makarating sa finals, binigo muna ni Jake si Samboy Lao ng Misamis Oriental, 21-9, sa 48-kilogram junior boys light flyweight class, at pinayukod ni Jade si MisOr bet Klemen Earl Cabahit, 11-10, sa 50kg boys flyweight category.

 Pumasok naman sa finals si Jimenez nang talunin si Cabadbaran pride Jilnar Libranza, 9-7, sa 46kg junior boys pinweight.

 Natikman ng Misamis Oriental, may 12 boxers sa gold medal round, ang kanilang unang ginto nang talunin ni Julito Sumalinog si Davao del Norte bet Philip Jay Verador, 12-8, sa 52kg junior boys light bantamweight category.

BRYAN REMEDIO

CHARNIE JUN MAGSAYO

DAVAO

JADE BORNEA

JILNAR LIBRANZA

JULITO SUMALINOG

JUNREL JIMENEZ

KLEMEN EARL CABAHIT

MISAMIS ORIENTAL

NATIONAL BOXING AMATEUR CHAMPIONSHIP

NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with