MANILA, Philippines - Handa si Fil-British custodian Neil Etheridge na pangunahan ang Azkals sa AFC Challenge Cup sa susunod na linggo sa Kathmandu, Nepal.
Dumating ang mga Azkals sa Kathmandu noong Biyernes upang kaagad masanay sa malamig na klima para sa kanilang pakikipagharap sa North Korea sa Biyernes.
“Even though I’m quite a young player, I take on a responsibility, because other players look up to me, being part of an English Premier League club,” wika ni Etheridge, isang reserve keeper ng Fulham FC, sa isang panayam ng ABS-CBN’s Europe News Bureau.
Nasa kanilang pang apat na araw ngayon ang Azkals para sa kanilang training camp sa Nepal bago ang tournament proper.
Bago ang kanilang ensayo, bumisita muna ang mga Pinoy booters sa Nagarkot, isang tourist spot na kilala sa sunset view sa Himalayas kasama ang Mount Everest.
Nasasangkot sa sexual harassment ang dalawang Azkals na sina Angel Guirado at Lexton Moy mula sa reklamo ni match commissioner Cristy Ramos.
Nauna nang nakaladkad ang pangalan ni Etheridge sa kontrobersya ukol sa umano ay ‘gang rape’ sa isang modelo.
Sa AFC Challenge Cup, kasama ang Azkals sa “group of death” na kinabibilangan ng North Korea, isang qualifier sa 2011 World Cup finals, at dating Challenge Cup titlists India (2008) at Tajikistan (2006).