^

PSN Palaro

Nasa mga kamay ng IOC

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang International Olympic Committee (IOC) ang siyang pipili ng isa mula sa apat na inirekomenda ng Philippine National Shoo­ting Association (PNSA) para sa isang wildcard slot sa 2012 Olympic Games sa London.

Ang mga pagpipilian ng IOC para sa wildcard entry ay sina Tac Padilla sa men’s 25-meter rapid fire pistol; Paul Brian Rosario sa skeet; Hagen Topacio sa trap at Jayson Valdez sa 10-m air rifle.

“We submitted all their names to the Philippine Olympic Committee and the International Olympic Committee. Then it’s up to the IOC to choose whether to give it to the rifle, pistol or shotgun which has skeet and trap,” sabi kahapon ni PNSA president Mikee Romero sa PSA sports fo­rum sa U.N. Avenue, Ma­nila.

Maaaring ihayag ng IOC ang kanilang napili sa pagitan nina Padilla, Rosario, Topacio at Valdez sa su­sunod na buwan, ayon kay Romero, miyembro ng International Shooting Sport Federation (ISSF).

Ang apat na shooters ay nakaputok ng Minimum Qualification Score (MQS) sa kanilang mga event mula sa mga nilahukang international competitions simula noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China hanggang sa 2011 World Championships sa Belgrade.

“They have to be ready because this is one chance in a lifetime,” ani Romero sa apat na national shoo­ters. “Hindi natin alam kung ka­nino maibibigay ‘yung wildcard slot.”

Nakatakda ang 2012 London Olympics sa Hulyo 27 hanggang Agosto 12.

Si Eric Ang ang pinakahuling national shooter na nabigyan ng wildcard entry sa naturang quadrennial event. Ito ay noong 2008 sa Beijing, China.

Tanging si national boxer Mark Anthony Barriga pa lamang ang opisyal na nasa listahan para sa 2012 London Olympics, habang may tig-dalawang mandatory slots namang nakalaan para sa athletics at swimming. 

Ilang qualifying tournaments din ang inaasahan ng bansa na pagkukunan ng Olympic ticket. Ito ay sa boxing, rowing, wrestling, weightlifting, archery at judo.

Ang mga makakalaro sa 2012 Olympics ay mabibigyan din ng three-week, pre-Olympic training sa London sa pamamagitan ng London Olympic Committee.

vuukle comment

ANG INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

ASIAN GAMES

HAGEN TOPACIO

INTERNATIONAL SHOOTING SPORT FEDERATION

JAYSON VALDEZ

LONDON OLYMPIC COMMITTEE

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

MIKEE ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with