Chang reresbakan ni Orcollo sa PBB Face Off Series
MANILA, Philippines - Handang harapin ni World Pool-Billiard Association (WPA) Player of the Year at Philippine Sportswriters Association (PSA) Athlete of the Year Dennis Orcollo si Taiwanese Chang Jung-lin sa pagpapatuloy ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series sa Marso 10 sa Pagcor Airport Casino sa Parañaque City.
“This time I will not disappoint my countrymen. I’m ready,” sabi ni Orcollo.
Tatangkain ni Orcollo na makaganti sa World No.2 na si Chang.
Tinalo ni Chang, naghari sa 2012 World 8-ball sa Fujairah, United Arab Emirates, si Filipino Lee Vann Corteza, 9-7, sa nakaraang PBB Face-Off Series.
“Dennis (Orcollo) is a very tough opponent.” sabi ni Chang sa isang interpreter, inihatid din ang Team Asia sa 2-1 lead kontra sa Team Philippines sa Philippine Bigtime Billiards na ipinakilala ang bagong format sa taong 2012.
Si Chang ang tinanghal na over-all champion sa 2012 World 8-ball Championship noong Pebrero 17 sa Fujairah, United Arab Emirates.
Noong Pebrero 18, binigo ni Ko Pin-yi ng Chinese-Taipei si Filipino pool maestro Efren “Bata” Reyes, 9-4. Subalit nakabawi si Francisco “Django” Bustamante nang isargo ang 9-7 panalo kay Ko nitong Pebrero 25.
- Latest
- Trending