^

PSN Palaro

Texters ipaparada ang nba Veteran vs Express

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang beterano ng Na­tional Basketball Asso­ciation (NBA) at mga international tournaments ang kinuha ng Talk ‘N Text bilang kapalit ni Omar Hassan Samhan para sa kanilang kampanya sa 2012 PBA Commissioner’s Cup.

Ipaparada ng Tropang Texters si 6-foot-10 Donnell Harvey laban sa Air21 Express bukas ng alas-5:15 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

“He’s from the Univer­sity of Florida. He just fi­ni­shed a stint in the Chine­se league,” ani 2011 PBA Most Valua­ble Player Jimmy Alapag kay Harvey na dumating sa bansa no­ong Sabado at agad na nakipag-ensayo sa Talk ‘N Text.

Si Samhan ay nagka­roon ng ACL injury sa ka­nilang 110-98 panalo laban sa Alaska noong Pebrero 26.

Naglaro si Harvey sa NBA para sa mga koponan ng New Jersey Nets, Denver Nuggets, Dallas Ma­vericks, Orlando Magic at Phoenix Suns. Siya ay hinirang ng New York Knicks bilang 22nd overall pick sa 2000 NBA Draft bago siya dinala sa Mavericks kasama si John Wallace kapalit nina Erick Strickland at Pete Mickeal. 

Ang 32-anyos na si Harvey ay kumampanya din para sa Banvitspor sa Turkey, para sa Carolina Giants sa Puerto Rico at para sa Bosnian club KK Igokea.

Kasalukuyang hawak ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang malinis na 3-0 rekord kasunod ang Barangay Ginebra (3-1), Alaska (3-2), B-Meg (3-2), Petron Blaze (3-2), Powerade (2-2), Barako Bull (2-3), Air21 (1-2), Rain or Shine (1-4) at Meralco (1-4).

Samantala, sa pagkakaroon ng Petron Blaze ng isang 6-foot-10 import sa katauhan ni Nick Fazekas, kailangan ni Arwind Santos na baguhin ang kanyang laro.

Sa huling dalawang sunod na panalo ng Boosters, si Santos ang bumandera para tanghalin siya bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Nagtumpok ang dating King Tamaraw ng Far Eas­tern University ng mga ave­rages na 23.0 points, 11.5 re­bounds, 3.0 assists at 2.0 shotblocks per game sa 102-88 at 110-103 panalo ng Petron laban sa Air21 at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ni Santos para sa weekly honors sina Talk’N Text guard Jason Castro at Barangay Ginebra scorer Mark Caguioa.

vuukle comment

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BASKETBALL ASSO

CAROLINA GIANTS

DALLAS MA

DENVER NUGGETS

N TEXT

PETRON BLAZE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with