^

PSN Palaro

Rivero tiniyak ang kaligtasan ni Julaton

- Joaquin M. Henson -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Argentine promoter Osvaldo Rivero na walang masamang mangyayari sa gagawing paglaban ni WBO female superbantamweight champion Ana Julaton laban kay Yesica Patricia Marcos sa Teatro Griego Juan Pablo Segundo sa Mendoza, Argentina sa Marso 16.

Ibinigay ni Rivero ang katiyakang ito para alisin ang anumang pangamba na mauulit ang gulo na nasilayan nang lumaban si Johnreil Casimero laban kay Luis Alberto Lazarte noong Pebrero 10 sa Club Once Unidos, Mar del Plata, Buenos Aires, Argentina.

Tinalo ni Casimero si Lazarte sa pamamagitan ng knockout sa 10th round upang agawin ang interim IBF light flyweight title ng Argentinian boxer.

Pero hindi nagustuhan ito ng mga panatiko ni Lazarte dahilan upang magkaroon ng riot at ang pinuntirya ay ang kampo ni Casimero.

Tanggap naman ng kampo ni Julaton ang ginagawang paghahanda ni Rivero para sa ikatatagumpay ng nasabing laban.

Ito ang ikatlong pagkakataon na idedepensa ng 31 -anyos na si Julaton ang titulong pinanalunan noong 2010 kay Maria Elena Villalobos.

May 10 panalo sa 13 laban kasama ang 1 KO, na­pa­natiling hawak ni Julaton ang korona laban kina Franchesca Alcanter at Jessica Villafranca gamit ang unanimous decision sa labang ginawa sa US at Mexico.         

Ang 26-anyos na si Marcos ay hindi pa natatalo sa 19 laban at nakuha ang karapatang labanan si Julaton matapos mapanalunan ang interim WBO title laban kay Simone Da Silva Duarte noong 2011 matapos magretiro ang huli sa fifth round.

ANA JULATON

BUENOS AIRES

CASIMERO

CLUB ONCE UNIDOS

FRANCHESCA ALCANTER

JESSICA VILLAFRANCA

JOHNREIL CASIMERO

JULATON

LABAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with