CARMEN, Bohol, Philippines - Sisimulan ngayon ang PLDT-ABAP National Amateur Boxing Championships tampok ang 140 boxers mula sa 25 koponan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Kinatawan ng Luzon ang Team Buddy Andrada, Mandaluyong, Tayabas at Puerto Princesa; suportado naman ng Visayas ang Mandaue, Cebu City, Negros Occidental, Bago City, Dumaguete, Northern Samar, Leyte, Maasin at Tagbilaran, habang dala ng Mindanao ang Davao del Norte, Zamboanga, GenSan, Camiguin, Manolo Fortich, Misamis Oriental, Sarangani, Cabadbaran, Gingoog, Adlayan, Datu Puti at Asuncion.
Itinampok din ang exhibition four-rounders ng national women’s team laban sa Sri Lanka.