^

PSN Palaro

2 kampeonato winalis ng AMACU sa NAASCU volley

-

MANILA, Philippines - Ipinakita ng AMA Computer College ang kanilang husay sa paglalaro ng volleyball nang walisin ang 11th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) men’s at women’s titles na pinaglabanan sa University of Manila gym.

Sa pangunguna nina RJ Francisco, Leo Balmeo at Ryan Clarin, ang Titans ay umukit ng 25-23, 25-18, 21-25, 25-22, panalo sa Centro Escolar University para magkampeon sa ka­lalakihan.

Si Francisco ang hinirang bilang MVP ng season habang sina Balmeo at Clarin ang lumabas bilang Best Attacker at Setter.

Ang mga kakamping sina Ace Mollieda ang tu­manggap sa Best Reciever award habang ang mentor na si Jose Mari Anulo ang Coach of the Year.

Si Jun Dela Cruz ng CEU ang nanalo bilang Best Blocker habang si John Acosta ng St. Clare ang Best Server.

Kinumpleto ng Lady Titans ang pagdodomina sa CEU nang iuwi ang 25-19, 25-21, 17-25, 25-23, panalo sa women’s division.

Si Joyce Chu ang na­nalo bilang MVP at Best Attacker habang ang kakamping si Aiko Mago ang Best Receiver. Ang kanilang coach na si Albert Nepomuceno ang siyang Coach of the Year sa kababaihan.

Ang mga manlalaro ng Lady Scorpions na sina Precious Uy, Llyn Nacario at Melissa Tebangin ang naging Best Attacker, Best Blocker at Best Libero ayon sa pagkakasunod.

Inangkin naman ng New Era University ang ikatlong puwesto sa kababaihan nang manaig sa Informatics International College, 25-23, 25-23, 25-22 habang ang St. Clare ang pumangatlo sa kalalakihan sa naitalang 27-25, 25-22, 25-16, tagumpay laban sa NEU.

vuukle comment

ACE MOLLIEDA

AIKO MAGO

ALBERT NEPOMUCENO

BEST

BEST ATTACKER

BEST BLOCKER

BEST LIBERO

BEST RECEIVER

COACH OF THE YEAR

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with