^

PSN Palaro

Beermen asam na maka-2 sa Ph Patriots

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sisikapin ng mainit na AirAsia Philippine Patriots na pagbayarin ang San Miguel Beermen sa kanilang ikalawang pagkikita sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) ngayon sa The Arena sa San Juan.

Ang Beermen ang natatanging koponan na nagpatikim ng talo sa Patriots na nangyari noong Enero 14, 78-70, at ito ang nais na bawiin sa larong itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon.

Matapos ang nasabing pagkatalo, ang Patriots ay uma­rangkada ng anim na su­nod na panalo upang mahawawakan ang pangungu­na sa liga sa 7-1 karta.

Sina Anthony Johnson, Aldrech Ramos, Al Vergara, Ardy Larong at Jonathan Fer­nandez ang siyang mga nagsasanib puwersa sa mga huling laro upang pawiin ang di impresibong paglalaro mula kay Nakiea Miller.

Ang 6’9 na si Miller ay naghatid lamang ng 9 puntos at 5 rebounds pero naisantabi ito ng Patriots dahil sa pagsusumikap ng ibang kakampi para iuwi ang 80-72 panalo sa Bangkok Cobras sa huling asignatura.

Si Dalron Johnsoh ang aasahan ni coach Bobby Parks na nananalig din na ku­kuha ng mas magandang numero kay 6’11 Jarrid Famous.

vuukle comment

AL VERGARA

ALDRECH RAMOS

ANG BEERMEN

ARDY LARONG

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

BOBBY PARKS

JARRID FAMOUS

JONATHAN FER

NAKIEA MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with