Tigers makikisalo uli

MANILA, Philippines - Hangad ng Powerade na muling makasalo sa liderato ang nagdedepensang Talk ‘N Text, samantalang mag-uunahan namang makabangon mula sa kani-kanilang kabiguan ang Alaska, Meralco at Barako Bull.

Magtatagpo ang Tigers at ang Energy ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng Aces at Bolts sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2012 PBA Commissio-ner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dala ng Talk ‘N Text ang 3-0 kartada kasunod ang Powerade (2-0), Barangay Ginebra (2-1), Petron Blaze (2-2), Alaska (2-2), B-Meg (2-2), Air21 (1-1), Meralco (1-3), Rain or Shine (1-3) at Barako Bull (1-3).

Nakamit ng Tigers, ti-nalo ng Tropang Texters sa championship series ng nakaraang PBA Philippine Cup, ang 94-82 panalo laban sa Bolts noong Peb-rero 26.

“I think they now have the confidence that we can go up against any team and they also understand now how to make wins,” sabi ni head coach Bo Perasol sa kanyang Powerade, nakahugot ng game-high 29 points kay Gary David. 

Nanggaling naman ang Energy sa 95-99 kabiguan sa Elasto Painters noong Pebrero 23 sa Dubai, Uni-ted Arab Emirates kung saan nagkaroon ng groin injury si import Dermarr Johnson.

Ipaparada ng Barako Bull ang kapalit ni Johnson na si Rodney White, isang NBA veteran na huling naglaro sa China para sa Zhejiang Guangsha Lions.

Ang 6’9 na si White ang first round at ninth overall pick ng Detroit Pistons sa 2001 NBA Draft. Naglaro din siya sa Denver Nuggets at Golden State Warriors.

Bukod kay David, aasahan rin ng Powerade sina import Dwayne Jones, 2011 PBA No. 1 overall pick JVee Casio, Fil-Am roo-kie Marcio Lassiter, Sean Anthony at Doug Kramer katapat sina two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller, Don Allado, Wynne Arboleda, Mick Pennisi at Ronald Tubid ng Barako Bull. 

Pareho namang nanggaling sa kabiguan ang Aces at Bolts.

Yumukod ang Alaska sa Talk ‘N Text, 98-110, noong Pebrero 26, samantalang nabigo ang Meralco sa Powerade, 82-84.

Show comments