Matindi ang bakbakan sa NAASCU volley Finals

MANILA, Philippines - Mainitang bakbakan sa volleyball ang matutung­hayan bukas sa pagsisi­mula ng 11th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) inals sa men’s at women’s division sa University of Manila Gym.

Ang AMA Computer School at Centro Escolar University ang siyang magbabakbakan sa kampeonato sa magkabilang di­bisyon at mauunang tu­­mapak sa court ang ka­­nilang men’s team sa ganap na ala-1 ng hapon bago sumunod ang tagisan sa women’s dakong alas-2:30 ng hapon.

Ang AMACU Lady Ti­­tans ang siyang nagde­de­pensang kampeon at narating nila ang Finals nang kalusin ang New Era University.

Sa kabilang banda, ang CEU Lady Scorpions ay nanaig sa Informatics para makuha ang karapatang labanan ang nagdedepensang kampeon.

Walang itulak-kabigin naman sa Scorpions at Titans na tinalo ang New Era University at host St. Clare College sa semifinals.

Bagong kampeon ang lalabas sa men’s division dahil ang dating kampeon na University of Manila ay nasibak agad.

“Having emerged as the two best teams in the men’s and women’s division, we expected these teams to give their hearts out ensu­ring an exciting finals,” ani NAASCU president Dr. Ernesto ‘Jay ‘ Adalem.

 Bago ang finals ay mapapanood muna ang tagisan sa ikatlong puwesto sa pagitan ng Informatics at CEU sa kababaihan sa ganap na alas-9 ng umaga bago sundand ng St. Clare at NEU sa kalalakihan sa alas-11:30 ng tanghali.

Show comments