^

PSN Palaro

Biado hari ng Green Garden 9-Ball Open

-

MANILA, Philippines - Tinalo ni Carlo Biado ang kababayang si Rober­to Gomez, 11-5, upang hiranging kampeon sa 2012 Green Garden 9-Ball Open na pinaglabanan sa Green Garden Hotel, Kuta Beach sa Bali, Indonesia.

Umabot sa 128 ang man­lalarong nagtagisan sa kompetisyong ginawa mula Pebrero 23 hanggang 26 at naiuwi ng 28-anyos na si Biado na dating caddie, ang unang gantimpala na $6,500.

Si Gomez na tulad ni Biado ay mula sa Bugsy Sta­ble, ay nakontento sa gan­timpalang $2,500.

Ito ang unang mala­king panalo na nakuha ni Biado sa taong ito matapos mangibabaw ang tubong La Union na bilyarista sa 2011 BSCP National Pool Championships noong Nob­yembre.

Ang iba pang Pinoy na sumali sa torneo ay sina Jeffrey de Luna, Jundel Ma­zon at Rodrigo Gero­nimo.

Si Dennis Orcollo na pa­rarangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) bilang isa sa kanilang Athletes of the Year ay hindi sumali at mas pinagtutuunan ang magaganap na tagisan nila ni Chang sa PBB Face Off Series sa Marso 10.

ATHLETES OF THE YEAR

BALL OPEN

BIADO

BUGSY STA

CARLO BIADO

FACE OFF SERIES

GREEN GARDEN

GREEN GARDEN HOTEL

JUNDEL MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with