^

PSN Palaro

Isa pang shooter may pag-asa sa Olympics

-

MANILA, Philippines - Isa pang shooter ang makakasama sa Pambansang delegasyon na magla­laro sa London Olympics.

Sa pagdalo ni Chief of Mission Manny Lopez sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon, kanyang ibinunyag ang liham mula sa International Shooting Sports Federation (ISSF) sa Philippine Olympic Committee (POC) na nagsasabing makakapaglahok ang Phi­lippine National Shooting Association (PNSA) gamit ang re-allocation of unused quota places ng isa pang shooters sa Olympics.

Nangyari ito dahil pitong shooters na kinatampukan ng dalawa sa 10m rifle, tatlo sa Trap shooting, at tig-isa sa 25m Rapid Fire at Skeet ang nakaabot sa minimum qualifying scores sa nilahukang Olympic qualifying tournament.

“Makakasali sila sa Olym­pics gamit ang re-allocation of unused quota places. May 390 shooters ang maglalaro sa London at 358 rito ang nakapasok by merit habang ang nalalabing 32 slots ay makakamit sa pamamagitan ng re-allocation o wild card,” paliwanag ni Lopez.

Tanging si boxer Mark Anthony Barriga ang nakapasok sa Olympics by merit habang ang athletics at swimming ay magpapasok ng isang lalaki at babaeng atleta bilang mandatory athletes ng bansa.

Umaasa si Lopez na aabot sa 10 atleta ang mag­lalaro sa London lalo pa’t ang boxing, wrestling, judo, weightlifting at BMX cycling ay naghahabol pa ng manlalaro para ipasoksa London Games.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si PNSA president Mikee Romero sa POC at kay Asian Shooting Confederation (ASC) president Sheik Salman Al-Sabah sa pagtulong sa Pilipinas upang makapaglahok ng kinatawan sa Olympics sa ikatlong sunod na edisyon.

Si Jethro Dionisio ang kumatawan sa Pilipinas sa 2004 Athens Olympics habang si Eric Ang ang bu­malikat sa Pilipinas sa 2008 Beijing Olympics at naglaro sila sa Trap shooting. (AT)

ASIAN SHOOTING CONFEDERATION

ATHENS OLYMPICS

BEIJING OLYMPICS

CHIEF OF MISSION MANNY LOPEZ

ERIC ANG

INTERNATIONAL SHOOTING SPORTS

LONDON GAMES

LONDON OLYMPICS

LOPEZ

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with