Evans, Love, Parker wagi sa 2012 NBA All-Star events
ORLANDO, Fla. — Isinalpak ni Jeremy Evans ng Utah Jazz ang bola na may suot na camera sa kanyang ulo, ipinasok ang dalawang bola mula sa paglundag niya sa isang nakaupong assistant at nagsuot ng jersey ni Karl Malone para lumipad sa ibabaw ng isang mailman-dressed comedian na si Kevin Hart.
Sapat na ito para tanghalin si Evans bilang 2012 Slam Dunk champion sa NBA All-Star Weekend.
Kumolekta si Evans, naging kapalit ni injured New York guard Iman Shumpert, ng 29 percent sa 3 million votes cast.
Tinalo niya sina Chase Budinger ng Houston Rockets, Paul George ng Indiana Pacers at Derrick Williams ng Minnesota Timberwolves.
Binigyan ang mga fans ng voting power at isinumite ang kanilang mga balota sa pamamagitan ng text message matapos ang dunk ng bawat isa sa apat na kalahok sa three one-dunk rounds.
Hinirang naman si Kevin Love ng Timberwolves bilang Three-Point King nang talunin si Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder sa finals, 17-14.
Si San Antonio point guard Tony Parker ang nagbida naman sa Skills Competition mula sa kanyang bilis na 32.8 segundo sa final run ng obstacle course laban kina Rajon Rondo (34.6) ng Boston Celtics at Deron Williams (41.4) ng New Jersey Nets.
- Latest
- Trending