^

PSN Palaro

Lacuna triple gold medalist sa CLRAA

-

MANILA, Philippines - Nanalasa agad ang swimmer ng Malolos City na si Dexter John Lacuna upang maging kauna-una­hang triple gold medalist sa pagbubukas kahapon ng swimming competition sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) sa Zambales Sports Complex sa Iba.

Sa athletics na idina­daos sa bagong latag na rubberized oval, ang mga lahok mula Pampanga ang humahataw nang manalo ng tatlong ginto upang ma­ilinya ang sarili sa hangaring ma­ging pinakamahusay sa sport sa ikalawang sunod na taon.

Ang 14-anyos na si La­cuna ay nangibabaw sa secondary boys 400m freestyle (2:42.41), 100m backstroke (1:05.37) at 200m butterfly (2:24).

Si Elijah Jean Antonio ay nanaig sa elementary girls 200m freestyle (2:42.41) para sa ikaapat na ginto ng Malolos na nakikipagpahusayan sa delegasyon ng Olongapo City at Bulacan sa paramihan ng ginto na may apat at dalawang gintong napagwagian.

Sina Dianne De Jesus (9.49m), Jenalyn Bermudo (1:17.89) at Angelo Manalo (1:10.91) ang mga nagwagi para sa Pampanga sa larangan ng secondary girls shotput at elementary girls at boys 400m hurdles upang itaas na sa pito ang ginto sa torneo.

ANGELO MANALO

CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

DEXTER JOHN LACUNA

JENALYN BERMUDO

MALOLOS CITY

OLONGAPO CITY

PAMPANGA

SI ELIJAH JEAN ANTONIO

SINA DIANNE DE JESUS

ZAMBALES SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with