MANILA, Philippines - Hindi na talunang koponan ang National University.
Ito ang kanilang pinatutunayan matapos makapasok ang panlabang Bulldogs sa finals sa men’s tennis at baseball sa idinadaos na 74th UAAP season.
Makakatapat ng Bulldogs ang La Salle na may twice to beat advantage sa finals ng men’s tennis habang ang host Ateneo naman ang makakasukatan ng NU sa baseball na ang championship ay paglalabanan sa best of three series.
Ngayong alas-9 ng umaga paglalabanan ang kampeonato sa tennis sa Rizal Memorial Tennis Center habang ang baseball finals ay bubuksan sa Huwebes sa Rizal Memorial Diamond.
Pakay ng NU na makatikim uli ng kampeonato sa baseball na huling nangyari matapos ang back to back noong 1965 at 66 seasons habang ang Ateneo ay magtatangka sa kanilang kauna-unahang titulo sa nasabing team sport.
“It’s an awakening and it’s because of the combined efforts of many individuals, especially Mr. Hans Sy,” wika ni NU athletic director Junel Baculi.
Si Sy ng SM Group at bagong may-ari ng paaralan, ay nagbigay ng lubusang pagsuporta sa recruitment program ng Bulldogs at ngayon ay nagsisimulang umani ng kanilang dibidendo.
Nananalig si Baculi na makakahirit ng panalo ang kanyang koponan ngunit ang ultimong tagumpay na hinahangad niya ay sa 75th season ng liga sa na kung saan ang paaralan ang siyang uupo bilang pun ong-abala ng naturang liga.