^

PSN Palaro

Aksyon sa athletics hahataw ngayon

-

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ang tagisan para sa paghablot ng gintong medalya sa Central Luzon Regional Athletic Association na la­laruin sa Zambales Sports Complex sa Iba.

Mangunguna sa mga maglalabang delegasyon ay ang Bulacan na pupuntiryahin ang ika-18 overall title at ikaanim na sunod sa taong ito.

Hindi magpapabaya ang nasabing probinsya sa palarong katatampukan ng 18 sports na paglalaba­nan sa elementary at secondary levels dahil naglahok sila ng 669-taong delegasyon at 490 dito ay mga atleta.

Ang mga event na pag­­la­­labanan ay athle­tics, swimming, basketball, football, lawn tennis, sepak takraw, sipa takraw, volleyball, football, boxing, arnis, taekwondo, archery, baseball, softball, chess, gymnastics at table tennis.

Ang mga hihiranging kampeon sa kanilang mga events ay makakakuha na ng puwesto sa 2012 Pala­rong Pambansa na idaraos sa summer sa Pangasinan.

Pormal na binuksan ka­hapon ang kompetisyon na unang idinaos sa Zambales matapos ang 18 taon.

Si Cavite 2nd District Congresswoman Lani Mercado-Revilla ang tuma­yong panauhing pandangal na naunang ibinigay sa asawa at Senador Ramon Revilla Jr., upang makasama ang pamahalaang lo­kal sa pangunguna ni Governor Hermogenes Ebdane at anak na bagong upong 2nd District Congressman Jun Omar Ebdane.

Taong 1994 pa nang huling nakapagdaos ng regional meet sa Zambales kaya’t pinasalamatan ni Ebdane ang lahat sa pagdalo at tiniyak na gagawin nila ang lahat nang makaka­ya para maging kumpor­table ang mga bisita sa pamama­lagi sa probinsya.

BULACAN

CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

DISTRICT CONGRESSMAN JUN OMAR EBDANE

DISTRICT CONGRESSWOMAN LANI

GOVERNOR HERMOGENES EBDANE

SENADOR RAMON REVILLA JR.

SHY

SI CAVITE

ZAMBALES

ZAMBALES SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with