^

PSN Palaro

NU Bulldogs hinugot ang youth team standout

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Hinugot ng National University si Philippine youth team standout Rodolfo “J-Jay” Alejandro III para palakasin ang kanilang kampanya sa darating na UAAP men’s basketball tournament.

Si Alejandro, miyembro ng national under-16 team na umabante sa semifinal round ng nakaraang FIBA Asia U16 tournament sa Vietnam, ang inaasahang makakatambal ni Bobby Ray Parks Jr.

“He’s a very talented player and we’re glad to have him under our tutelage,” sabi ni Bulldogs’ head coach Eric Altamirano sa six-foot guard na si Alejandro.

Nagtala si Alejandro ng average na league-best 25.4 points, tampok dito ang 46 points sa isang laro, para sa Malayan High School (Mapua) Red Robins sa juniors division ng nakaraang NCAA season.

Bukod dito, naglista rin si Alejandro ng mga averages na 4.4 assists, 4.7 rebounds at 1.8 steals para sa Red Robins.

Umiskor ang 16-anyos na si Alejandro ng 34 points para sa under-16 squad laban sa Japan sa FIBA Asia tournament noong Oktubre ng 2011 kung saan siya nagposte ng average na 12.5 points.

ALEJANDRO

BOBBY RAY PARKS JR.

BUKOD

ERIC ALTAMIRANO

HINUGOT

J-JAY

MALAYAN HIGH SCHOOL

MAPUA

NATIONAL UNIVERSITY

RED ROBINS

SI ALEJANDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with