^

PSN Palaro

Patriots Rumesbak Sa Slammers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagising ang AirAsia Philippine Patriots sa ikatlong yugto upang makuha ang come-from-behind 81-72 panalo laban sa nag­dedepensang Chang Thailand Slammers sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) nitong Sabado sa Thai Japanese Association Gym sa Bangkok, Thailand.

Masama ang simula ng Patriots dahilan upang mapag-iwanan sila ng hang­gang 13 puntos sa first half ngunit nang nakuha ang tunay na laro ay unti-unting bumangon hanggang sa tuluyang iniwan na ang nagdedepensang kampeon tungo sa pananatili sa solo lider sa 6-1 karta.

May 21 puntos, 9 re­bounds at 6 assists si Antho­ny Johnson habang sina Nakiea Miller, Al Ver­gara at Jonathan Fernandez ay tumulong para maibaon sa limot ang kabiguang inabot ng Patriots sa kamay ng Slammers sa Fi­nals ng 2nd ABL season.

Si Miller ay gumawa ng 14 puntos, 8 rebounds at 4 steals at ang kanyang malaking iniambag ay ang limang sunod na puntos upang pawiin ang huling pagdikit ng home team sa 66-68 sa huling yugto.

May 12 puntos at 8 assists si Vergara habang 12 din mula sa 4 of 5 shooting sa tres ang ibinigay ni Fernandez para masungkit din ng koponang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco ang ikalimang su­nod na panalo.

Kinumpleto ng San Mi­­guel Beermen ang do­mi­nanteng laro ng mga koponan mula sa Pilipinas nang ilampaso naman ang Indonesia Warriors, 77-61, na ginanap sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia.

Agad na nagtrabaho ang Beermen sa unang yugto upang mahawakan ang 22-11 at mula rito ay hindi na nilingon pa ang Warriors para sa ikatlong sunod na panalo at pumapangalawang 5-2 baraha.

AL VER

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHANG THAILAND SLAMMERS

INDONESIA WARRIORS

JONATHAN FERNANDEZ

MAHAKA SQUARE

MIKEE ROMERO

NAKIEA MILLER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with