^

PSN Palaro

Express naka-isa rin

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Natapos na ang 14 su­nod na kamalasan ng Air21, dating Shopinas.com.

Sa kabila ng pagkakabasura sa kanilang 27-point lead sa third period, naga­wa pa rin ng Express na manatili sa kanilang porma at talunin ang Barako Bull Energy, 97-88, para sa ka­­nilang unang panalo sa 2012 PBA Commissio­ner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bago matikman ang ta­gumpay, nakalasap muna ang Air21 ng 0-14 kartada sa nakaraang PBA Philippine Cup na matagumpay na naidepensa ng kam­peong Talk ‘N Text.

Humakot si naturalized Marcus Douthit, naging se­ntro ng Smart Gilas Pilipinas sa mga international tournaments, ng 16 points, 17 rebounds, 5 assists, 1 shotblock at 1 steal para sa Bert Lina Group of Companies franchise. 

“We needed somebody like Marcus to uplift the confidence of the players,” wika ni coach Franz Pumaren sa 31-anyos na dating draftee ng Los Angeles Lakers. “B­itoy (Omolon) and (Mark) Isip really hepled us.”

Naging mainit ang si­mula ng Express matapos kunin ang isang 22-point advantage, 33-11, laban sa Energy sa 1:00 ng first quarter kung saan nagsalpak si RJ Jazul ng 3-for-3 shooting sa three-point range para tumapos na may 11 points.

Ipinoste ng Air21 ang pinakamalaki nilang bentahe sa 27 puntos, 72-45, mula sa dalawang free­throws ng 6-foot-11 na si Douthit sa 5:27 ng third period.

Napaliit ng Barako Bull, may 1-1 baraha ngayon, sa nine-point deficit, 81-90, ang nasabing bentahe matapos ang ratsada nina import DeMarr Johnson, Willie Miller at Wynne Arboleda sa huling 2:01 ng final canto.

Tuluyan nang sinelyu­han ng Express, may 1-1 record, ang ka­ni­lang panalo matapos ipa­sok ni Omolon, tumapos na may 17 markers, ang kanyang dalawang freethrows buhat sa pang anim at huling foul ni Arboleda para iwanan ang Energy sa 92-81 sa 1:21 nito.

Air21 97 - Omolon 17, Dout­hit 16, Jazul 15, Sena 13, Isip 10, Escobal 7, Duncil 6, Hubalde 5, Ritualo 5, Espiritu 3, Mirza 0, Faundo 0.

Barako Bull 88 - Johnson 37, Miller 14, Arboleda 12, Najorda 9, Allado 6, Sei­gle 4, Lanete 2, Pennisi 2, Peña 2, Weinstein 0, Salvador 0, Tubid 0.

Quarterscores: 33-13; 57-36; 77-60; 97-88.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ARBOLEDA

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BERT LINA GROUP OF COMPANIES

FRANZ PUMAREN

ISIP

JAZUL

OMOLON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with