NEW YORK - Nagwakas na ang pamamayagpag ni Jeremy Lin at ang seven-game winning streak ng New York Knicks.
Ito ay matapos umiskor ng isang 89-85 panalo ang New Orleans Hornets laban sa Knicks sa kabila ng iniskor na 26 points ni Lin.
Ito ang unang pagkakataon na natalo ang New York sapul nang maging starter si Lin para sa kanilang 15-16 record kasunod ang kanilang laban ng defending NBA champion Dallas Mavericks sa Linggo.
Umiskor si Trevor Ariza ng 25 points para sa Hornets, nasa isang three-game winning run matapos ang 4-23 start, habang nagdagdag ng 17 si Marco Belinelli.
Humakot naman si Amare Stoudemire ng 26 points at 12 rebounds para sa Knicks na hindi pa rin nakukuha ang serbisyo ni injured All-Star Carmelo Anthony sa pang anim na sunod na laro.
Nagmintis ang Knicks ng 20 sa kanilang 24 tangka sa 3-point range at may 19-of-29 clip sa freethrow line.