^

PSN Palaro

Zambales host ng CLRAA

-

MANILA, Philippines - Matapos ang 18 taong paghihintay ay muling itataguyod ng Zambales ang Central Luzon Regional Athle­tic Association (CLRAA).

Sa bagong ayos na Zambales Sports Complex sa Iba gagawin ang kompetisyon na pormal na bubuksan bukas, Pebrero 19.

May 18 school divisions sa Region 3 na kinapapalooban ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ang magbabakbakan sa mga sports events na nakalinya upang tukuyin kung sino ang magiging kinatawan ng Central Luzon sa 2012 Palarong Pambansa sa Pangasinan.

Ang Zambales Sports Complex ay may rubbe­rized track oval bukod pa sa bagong kumpuning Olympic-size swimming pool, gymnasium, grandstands at bleachers.

Bukod pa ito sa pina­ayos na athletes’ dormitory na ayon kay Governor Hermogenes Ebdane Jr. ang siyang tutuluyan ng halos 12,000 atleta at opisyales na magtatagisan sa kompetisyong tatagal hanggang Biyernes (Pebrero 24).

Ang pagtataas ng telon ay itinakda sa ganap na ika-2 ng hapon at inimbitahan bilang panauhing panda­ngal sina Senador Ramon Revilla Jr. at Education Undersecretary Rizalino D. Rivera.

ANG ZAMBALES SPORTS COMPLEX

CENTRAL LUZON

CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLE

EDUCATION UNDERSECRETARY RIZALINO D

GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

NUEVA ECIJA

PALARONG PAMBANSA

PEBRERO

SENADOR RAMON REVILLA JR.

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with