'Takbo para sa Karunungan'
MANILA, Philippines - Pakakawalan sa Marso 11 ang ‘DZMM Takbo Para sa Karunungan’ sa Quirino Grandstand.
Bukas ang mga race category na 3 km, 5 km, 10 km at 21 km sa mga lalahok sa fun run na isasagawa upang makalikom ng pondo para sa mga iskolar mula sa mga tinamaan ng bagyong ‘Sendong’ sa Cagayan de Oro at Iligan.
Ipagpapatuloy ng DZMM ang temang pang-edukasyon ng fun run ng nakaraang taon, kung saan nakatanggap ng scholarship ang 25 na estudyanteng nasalanta ng bagyong Ondoy.
Ngayong taon, 25 na estudyante naman mula sa Cagayan de Oro at 25 mula sa Iligan ang matutulungan ng fun run. Mapupunta rin ang ilang bahagi ng pondo sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga napiling iskolar noong nakaraang taon.
Sinimulan ng DZMM ang ganitong klaseng programa noong 1999 nang ilunsad nito ang ‘DZMM Takbo para sa Kalikasan’.
Ang taunang event ay nakalikom ng pondo para sa mga proyektong pangkalikasan katulad ng rehabilitasyon ng La Mesa watershed at Pasig Rehabilitation Project sa pakikipagtulungan ng ‘Bantay Kalikasan’ ng ABS-CBN.
- Latest
- Trending