^

PSN Palaro

4 pang pinoy pumasok sa last 64

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Apat pang Filipino cue artists ang nakalusot sa Group elimination sa idina­daos na 2012 World 8-Ball Championship sa Fujairah Tennis and Country Club, United Arab Emirates.

Sina Roberto Gomez at Raymund Faraon ay hindi natalo sa kanilang nilahukang grupo at sila ay sinamahan nina Elvis Calasang at Demosthenes Pulpul na nakausad naman mula sa loser’s bracket.

Naglaro sa Group M, si Gomez na nag-bye sa first round ay nanaig kay Luke Rollinson ng Great Bri­tain, 7-3, habang si Faraon ay naunang nanalo kay Ahmed Al Hosani ng UAE, 7-1, bago isinunod si Nick Van den Berg ng Netherlads, 7-4, para umabante ng hindi natatalo sa Group N.

Si Calasang na yumu­kod sa kababayan na si Joven Alba sa pangu­nguna sa winner’s bracket sa Group F ay nanaig laban kay Hanni Al-Howri, 7-5, habang si Pulpul na natalo kay Mark Grey, 3-7, ay bumawi laban kay Albin Ouschan, 7-6, para umabante mula sa Group J.

Nasamahan ng na­bang­git na pool players sina nagdedepensang kampeon Dennis Orcollo, Lee Van Corteza at Joven Alba na naunang pumasok mula sa winner’s group.

Sunod na tagisan ay sa knockout stage at kalaban ni Orcollo sa unang round si Nasser Al Mujaibel na kanyang dinaig, 7-4, sa Group I.

Si Faraon ay mapapa­laban kay Ko Pin-yi, si Corteza laban kay Lee Chan Man, si Pulpul laban kay Yong Hwang at si Alba la­ban kay Ahmad Jallad.

AHMAD JALLAD

AHMED AL HOSANI

ALBIN OUSCHAN

BALL CHAMPIONSHIP

DEMOSTHENES PULPUL

DENNIS ORCOLLO

ELVIS CALASANG

FUJAIRAH TENNIS AND COUNTRY CLUB

JOVEN ALBA

KAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with