MANILA, Philippines - Tinawanan lamang ni Federación Argentina de Boxeo (FAB) president Osvaldo Bisbal ang plano ng kampo ni Filipino light flyweight Johnriel Casimero na magsampa ng reklamo sa International Boxing Federation (IBF) ukol sa pagkuyog sa kanila ng mga Argentinian fans noong Biyernes ng gabi sa Club Once Unidos sa Mar del Plata, Argentina.
“We laugh at the sanctions of the International sanctioning bodies they have no type of authority to do so,” wika ni Bisbal.
Matapos talunin si Luis Lazarte via tenth-round TKO para sa bakanteng IBF interim light flyweight crown, sinugod ng mga Argentinians ang grupo ni Casimero kung saan sila pinagsusuntok, pinagsisipa at pinagbabato ng mga silya.
Plano ni Sampson Lewkowicz, ang American-based promoter ng 21-anyos na si Casimero, na magsampa ng reklamo sa IBF laban sa 40-anyos na si Lazarte na dalawang beses kinagat ang tubong Ormoc City sa laban.
Wala namang nakita si Bisbal na may dapat parusahan sa nangyari.
“According to what I saw, I can’t find anyone to punish. Who you want to punish? The boxer? The promoter? They complied with everything. The Once Unidos Stadium had nothing to do with it. There is no one to punish,” ani Bisbal.
Tinalo ni Casimero, may 16-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 KOs, si Lazarte (49-11-2, 18 KOs), isang dating one-time IBF light flyweight title holder, para kunin ang bakanteng interim IBFlight flyweight title.