^

PSN Palaro

'Di kakayanin ni Bradley

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi kakayanin ni Timothy Bradley, Jr. ang lakas at liksi ni Manny Pacquiao.

Ito ang paniniwala ni Juan Manuel Marquez, tatlong beses na nakasagupa ng Filipino world eight-division champion, kaugnay sa naturang laban na itinakda sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I don’t think so, because even though Bradley is a great boxer, and he has skills, he needs the power. He (doesn’t) have that po­wer,” wika ni Marquez kay Bradley, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light welterweight titlist.

“Pacquiao has the speed and Pacquiao has the power. The difference in this fight is power. The difference will be the power punches that Pacquiao has,” dagdag pa ng Mexican legend.

Itataya ng 33-anyos na si Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang hawak na WBO welterweight crown laban sa 28-anyos na si Bradley (28-0-0, 12 KOs).

Si Bradley ang pinili ni Pacquiao na makalaban matapos maitakda ang mga laban nina Floyd Mayweather, Jr. (42-0, 26 KOs) at Miguel Cotto (37-2-0, 30 KOs) sa Mayo 5 at ang rematch nina Lamont Peterson (30-1-1, 15 KOs) at Amir Khan (26-2-0, 18 KOs) sa Mayo 19.

Wala pang napipiling kalaban ang 38-anyos na si Marquez (53-6-1, 39 KOs), ang kasalukuyang WBA at WBO lightweight king.

Tinalo ni Pacquiao si Marquez via majority decision sa kanilang pangatlong pagkikita noong Nobyembre 12 kung saan nakita sa undercard si Bradley na tumalo kay Joel Casamayor via eight-round TKO.

AMIR KHAN

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER

JOEL CASAMAYOR

JUAN MANUEL MARQUEZ

KOS

LAMONT PETERSON

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with