^

PSN Palaro

Marami Pang Big Men

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Mukhang hindi naman mami-miss ng B-Meg Llamados si Kerby Raymundo na ipinamigay nila sa Barangay Ginebra kamakailan kapalit ni JC Intal at ng first round pick ng Air21 sa Agosto.

Kasi nga’y unlimited height ang format para sa mga imports sa kasalukuyang 2012 PBA Commissioner’s Cup. At sa Governor’s Cup ay 6-foot-5 naman ang itinakdang height limit para sa mga imports.

So, dahil dito ay kaunti na lang ang playing time pa­ra sa mga big men ng bawat koponan. Kasi nga, ang import ay lalaro ng 40 minuto pataas kapag nakapag-adjust na ito sa kundisyon sa PBA.

Eh, ang daming big men ng B-Meg. Nandiyan sina Marc Pingris, Joe Calvin Devance, Rafi Reavis at Yancy de Ocampo na maghahalinhinan sa power forward at center slot. Puwede ding mag-step down pa sa shoo­ting forward ang mga big men na ito kung kakai­langanin subalit marami naman kasing ibang shoo­ters ang B-Meg at hindi puwedeng isakripisyo ang posisyong ito.

Bukod sa mga nabanggit na big men na kabilang sa rotation ng tao ni coach Tim Cone, aba’y nandiyan pa sina John Ferriols at Jerwin Gaco na hindi na nga nagagamit at nagsisilbi na lang na mga cheerleaders sa bench. Pero puwedeng gamitin ang dalawang ito bilang mga ‘import stoppers.’

Biruin mong ipinamigay pa ng B-Meg si Don Carlos Allado para sa point guard na si Mark Barroca at basta inilaglag na lang si Romel Adducul na pinulot ng Powerade nang walang kapalit.

Ganoon karami ang big men ng Llamados. Nakakainggit!

Eh mahusay pa ang ka­nilang import na si Den­zel Bowles na pro­dukto ng James Ma­dison University. Bata pa ang 6’10 import na ito na bale 22 taong gulang lang kung kaya’t umaapaw sa energy.

Sa unang laro ng B-Meg noong Biyernes kung kailan tinalo nila ang Me­ralco Bolts, 95-93, si Bowles ay nagtala ng 27 puntos, 11 rebounds, 3 assists at 2 steals sa 36 minuto.

Sabi ni Cone, hindi pa ito sanay na maglaro ng 48 minuto dahil sa pi­­nanggalingang liga ni­to sa Lithuania at 40 mi­nutes lang ang game. At lima daw ang imports ng bawat team so hindi babad na babad ang mga ito. Baka nga less than 30 minutes lang per ga­me ang import.

Isa pa’y malamig sa Lit­huania at hindi humid tulad dito sa Pilipinas. So, hindi gaanong nakakapagod ang paglalaro.

Subalit sinabi din ni Co­ne na habang nag­ta­tagal si Bowles ay nagagamayan naman niya ang paglalaro sa PBA. At kung kailangang-kailangan lang ay saka siya ga­gamitin ng 40 minuto o higit pa.

Kaya tama lang ma­rahil na ipamigay nila si Ray­mundo kapalit ng mas athletic na si Intal. Kumbagay mas mara­ming galaw si Intal. Puwedeng tumira buhat sa three-point area at pu­wedeng pumoste.

Ang sinasabi nga lang ng iba’y tila dinada­ga si Intal pagdating ng endgame. Napakaraming ga­mes kung saan nag­min­tis siya ng ilang very crucial freethrows sa dying seconds. Mayroon ding bigla siyang nawawalan ng focus.

Iito ang dapat na ma-correct ni Cone kay Intal. Kung mawawala itong inconsistency ni Intal ay mapapa­kinabangan siya nang husto ng Llamados. Puwede siyang maging chief reliever ng two-time Most Valuable Player na si James Yap o puwede ding magsabay sila sa hardcourt.

Kumbagay pinarami ni Cone ang kanyang offensive weapons sa pagdating ni Intal.

At halos kasing halaga ng pagpaparami ng sandata ay ang pangyayaring madagdagan ng exciting player ang Llamados. Marami din namang fans itong si Intal kaya madadagdagan ang fans ng B-Meg.

Sigurado iyan!

B-MEG

B-MEG LLAMADOS

BARANGAY GINEBRA

DON CARLOS ALLADO

INTAL

LANG

LLAMADOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with