Pinoy netters tinalo ang Pacific Oceania
IRIGA CITY, Camarines Sur , Philippines -- Winalis nina Fil-Am Treat Huey at Jeson Patrombon ang kanilang mga singles matches para sa 5-0 dominasyon ng Philipine Team laban sa Pacific Oceania sa Asia Oceania Zone Group II Davis Cup tie dito sa St. John Forum.
Iginupo ni Huey si Michael Leong, 6-0, 6-3, 6-2, habang tinalo ni Patrombon si Aymeric Mara, 6-0, 6-1.
“He has worked hard to be where he is right now and if he continue to work and play harder, he’ll get stronger,” sabi ni Fil-Am Cecil Mamiit, ang non-playing team captain, sa tubong Iligan City na si Patrombon.
“Na-inspire ako sa panalo ko sa singles last Friday,” ani Patrombon.
Makakasagupa ng Nationals ang mananalo sa Pakistan-Lebanon tie sa Jounieh, Lebanon sa Abril 6-8
Nauna nang tinalo nina Fil-Am Ruben Gonzales at Johnny Arcilla sina Cyril Jacobe at Daniel Llarenas, 6-7 (3), 7-5, 7-6 (3), 7-6 (4), sa doubles match.
Pinili ni Mamiit na hindi gamitin si Huey, ang No. 47 sa world doubles rankings, nahirapan sina Gonzales at Arcilla sa first set kung saan sila natalo.
Nakabawi naman sina Gonzales at Arcilla sa second at third set para talunin sina Jacobe at Llarenas patungo sa kanilang panalo na tumagal ng halos apat na oras.
Kaagad na kinuha ng mga Pinoy ang dalawang singles matches mula sa panalo ni Patrombon kay Jacobe, 6-3, 6-2, 7-6 (4) at tagumpay ni Huey kay Leong, 6-0, 6-3, 6-2, noong Biyernes.
- Latest
- Trending