^

PSN Palaro

DepEd magiging bahagi ng programa ng PFF

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Maging ang Department of Education (DepEd) ay tutulong sa grassroots de­velopment ng Philippine Foot­ball Federation (PFF).

Ayon sa pangulo ng PFF na si Mariano Araneta, nag­kausap na sila ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro at nangako si­yang magtatalaga ng 200 paaralan upang isama ang football sa mga sports na kanilang pagtutuunan.

“Malaking tulong ang pa­kikiisa ng DepEd sa prog­­rama dahil nasa kanila ang mga mag-aaral na edad 6-anyos. Little by little, we will be taking our steps in our bid to have a solid grass­roots program,” wika ni Araneta.

Bago ang DepEd ay tu­mulong na ang PAGCOR sa PFF na nagbigay ng P20 milyon, habang ang Asian Football Development Program (AFDP) na hawak ni Jor­dan Prince at FIFA Vice Pre­sident HRH Prince Ali bin Al-Hussein ay magbibigay ng mga kagamitan.

Ang mga ito ay parte ng binubuhay na Kasibulan Program na ang layunin ay makabuo ng malakas na koponan na ilalaban sa Under 17 World Cup sa 2019.

“Ang mga batang edad 8 taon ang siya naming nakikita para kumatawan sa World Cup. Lilibot sa iba’t ibang lugar ang Kasibulan para tukuyin ang mga may potensyal na bibigyan ng pagsasanay,” paliwanag pa ni Araneta, magsasagawa rin ng National Under 15 at Un­der 18.

vuukle comment

ARANETA

ARMIN LUISTRO

ASIAN FOOTBALL DEVELOPMENT PROGRAM

DEPARTMENT OF EDUCATION

KASIBULAN PROGRAM

MARIANO ARANETA

NATIONAL UNDER

PHILIPPINE FOOT

SHY

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with