^

PSN Palaro

Bagong IBF Interim King na si Casimero babalik na sa bansa

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa bansa bukas si Filipino boxer Johnriel Casimero matapos ang kanyang panalo at kuyugin sa Club Once Unidos sa Mar del Pla­ta, Argentina noong Bi­yernes ng gabi.

Dadalhin ng 21-anyos na tubong Ormoc City ang masaklap na karanasan makaraang lusubin ng mga galit na Argentinian fans.

Ito ay matapos talunin ni Casimero si hometown bet at 40-anyos na si Luis La­zarte via 10th-round TKO upang angkinin ang bakanteng interim International Boxing Federation (IBF) light flyweight belt.

Hindi pa man naitataas ni referee Eddie Claudio ang kamay ni Casimero para sa kanyang panalo kay Lazarte ay nilusob na siya ng mga Argentinian fans sa ibabaw ng boxing ring.

Maski ang Las Vegas-based promoter na si Sean Gibbons ay hindi nakaligtas sa mga panununtok at pam­babato ng silya ng mga Argentinians.

 "This was some crazy mo­fo bullbleep," ani Gibbons sa kanyang eks­per­­yen­sa. "I got sucker punched a few times. I also got kicked in the head."

Nasugatan sa ulo si Ca­simero mula sa isang nam­bato ng silya sa kanya.

"Our new champ was hit with a chair and then kicked while he was down," sa­bi ni Gibbons.

May 16-2-0 win-loss-draw ring record ngayon si Casimero kumpara sa 49-11-2 (18 KOs) slate ni La­zarte.

Hihingi ng tulong sa IBF ang kampo ni Casimero ukol sa nangyari.

ARGENTINIAN

CASIMERO

CLUB ONCE UNIDOS

EDDIE CLAUDIO

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOHNRIEL CASIMERO

LAS VEGAS

LUIS LA

ORMOC CITY

SEAN GIBBONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with