Vargas PSA Executive of the Year

MANILA, Philippines - Walang alinlangan na ibinuto si Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas ng Philippine Sportswriters Association (PSA) bilang 2011 Executive of the Year.

Tatanggapin ni Vargas ang special honor mula sa sportwriting community sa kanilang pagdaraos ng Annual Awards Night sa Marso 3 sa Manila Hotel.

Ang dating PBA chairman at Board of Governors ng Talk `N Text team ay ang ikalawang tatanggap ng parangal matapos si Philippine Azkals team manager Dan Palami.

Nakilala bilang corporate executive mula sa pagiging President at Chief Executive Officer (CEO) ng Maynilad at kanang kamay ni sports patron Manny V. Pangilinan na pangulo naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), si Vargas ay isa lamang sa mga produkto ng mga naunang sports leaders.

Ang kanyang lolo na si Jorge B. Vargas ay isang founding member ng Philippine Amateur Athletic Federation (ngayon ay Philippine Olympic Committee) na naging pangulo nito noong 1936 at naging kauna-unahang Pinoy na naging miyembro ng International Olympic Committee (IOC).

Show comments