UST nakalusot sa JRU sa MBL
MANILA, Philippines - Wala pa ring talo ang University of Santo Tomas-Ironcon Builders.
Nagtulong sina Karim Abdul at Jeric Teng upang pataubin ng UST-Ironcon ang mahigpit na katunggaling Jose Rizal University, 89-85, at mapanatili ang malinis na kartada sa pagpapatuloy ng MBL Invitational basketball championship sa Aquinas gym sa San Juan.
Si Abdul ay nagtala ng double-double sa kanyang 17 puntos at 13 rebounds habang si Teng ay nag-ambag ng 14 puntos upang pangunahan ang UST-Ironcon sa isang kapana-panabik na panalo sa pinakahihintay na sagupaan ng dalawa sa top teams ng UAAP at NCAA.
Sa pamamahala ni multi-titled coach Pido Jarencio at manager Jimi Lim ng Ironcon Builders, ang Tigers ay nakasungkit ng kanilang ika-pitong dikit na panalo sa 10-team tournament na sinusuportahan ng Smart Sports, Cebuana Lhuillier, Dickies Underwear, PRC Couriers at Parola Maritime.
Sa kasalukuyan, nanalo na ang Tigers sa tatlo sa kanilang apat na laro laban sa mga NCAA teams.
- Latest
- Trending