^

PSN Palaro

3 Pinoy rowers sasabak sa Olympic qualifying

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Sasandalan ng Pilipinas ang tatlong me­dalists sa 26th SEA Games para ma­kapaglahok ng rowers sa 2012 London Olympic Games.

Si singles scull gold medalist Nestor Cor­dova at ang pares nina Alvin Amposta at Edgar Ilas na nanalo ng silver medal sa doubles sculls sa 2011 SEA Games ang ipa­dadala ng rowing association sa Asian Olympic Qualifying Tournament sa Abril 26-29 sa Chunju, Korea.

Ito ang unang pagkakataon na lalahok ang bansa sa Olympic qualifying event pa­ra sa London Games at naniniwa­la si ro­wing president Benjie Ramos na maganda ang kanilang tsansa na makakuha ng tiket.

“Hindi tayo nakasali sa World Championships last year na unang qualifying pe­ro sa Asian Qualifying ay magpapadala ta­yo ng tatlong rowers na medalists sa SEA Games sa Indonesia. Ang top six sa singles sculls at top three sa doubles sculls ang papasok sa Olympics at nakikita ko na malakas ang tsansa natin dahil sa ipi­nakikita nilang time,” wika ni Ramos ka­hapon sa SCOOP sa Kamayan sa Pad­re Faura.

Sa 2000-meter distance gagawin ang kom­petisyon at si Cordova ay nakapagtala na ng 7:18 tiyempo na sampung segundong kapos sa nanalo ng gold medal sa 2010 Guangzhou Asian Games.

Sina Amposta at Ilas ay nakapagrehis­tro naman ng 6:49 sa Indonesia na mas ma­bilis sa 6:53 bronze medal time sa Guangzhou Asian Games.

Aminado si Ramos na hindi agad na ba­sehan ang mga naitalang oras na ito ng kan­yang rowers dahil iba-iba ang kondis­yon ng tubig na kanilang pinaglalaruan.

“Pero may guide na tayo sa kanyang pu­wedeng gawin. Sa ngayon ay umaga at ha­pon ang kanilang training para maihan­da sila sa tournament,” ani Ramos.   

ALVIN AMPOSTA

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

ASIAN QUALIFYING

BENJIE RAMOS

EDGAR ILAS

GAMES

GUANGZHOU ASIAN GAMES

LONDON GAMES

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with