LINGAYEN, Pangasinan, Philippines --Handang-handa na ang provincial government para sa pamamahala sa darating na 2012 Palarong Pambansa.
Isang pulong ang idinaos sa Special National Management Committee (ManCom) dito sa Sison Auditorium para sa 2012 Palarong Pambansa.
Nakatakda ang national event sa Mayo 6-12.
Ang darating na Palarong Pambansa ay pamamahalaan ng provincial government sa ilalim ni Gov. Amado Espino, Jr.
Humigit-kumulang sa 10,000 athletes at officials mula sa iba't ibang rehiyon ang lalahok sa 2012 Palarong Pambansa.
Kasalukuyan nang inihahanda ang mga playing venues kagaya ng Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) ay kasalukuyan ng ginagawa bukod pa sa pagpapaganda ng mga billeting areas at iba pang game venues sa Dagupan at San Carlos.
Ang NRSCC ang pinagdausan ng 1995 Palarong Pambansa.