^

PSN Palaro

CDC buhos ang suporta sa Little League Phl Series

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Masasabing isa ang 2012 Little League Philip­pine Series (LLPS) bilang isa sa may pinakamara­ming par­­tisipante matapos ang lu­busang pagsuporta na ibi­bigay ng host Clark De­ve­lopment Corporation.

Pumalo na sa 90 kopo­nan at posible pang tumaas ang bilang ng nagpatala na sa torneong gagawin mula Abril 8 hanggang 16 para sa tig-apat na dibisyon sa baseball at softball competitions.

“Hindi malayong luma­ki pa ang bilang dahil sa magandang offer na ibinigay ng CDC sa pangungu­na ng kanilang pangulo na si Atty. Felipe Remollo. Accessible sa lahat ang Clark at ang mga tutungo sa Palarong Pambansa sa Pangasinan ay hindi na rin mahihirapan sa kanilang transportasyon,” ani Little League Philippines (LLP) administrator Chito Gonzales nang dumalo sa PSA Forum.

Naroroon din si Remo­llo bukod pa sa dating adminis­trator at ngayon ay PSC commissioner Jolly Gomez at inihayag ng una na makasaysayan ang torneo di lamang Clark kundi pati sa Little League Philippines.

Ang mga dibisyong pag­lalabanan ay sa baseball at softball ay Major (11-12), Junior (12-14), Senior (13-16) at Big League (15-18) at ang ILLAM na kampeon sa apat na dibisyon ang ma­ngunguna sa mga kalahok.

Ang hihiranging kampeon sa mga dibisyong pag­lalabanan ay kakatawan sa bansa sa Asia Pacific Re­gional Tournament para madetermina kung sino ang lalaban sa rehiyon sa iba’t ibang World Series.

ASIA PACIFIC RE

BIG LEAGUE

CHITO GONZALES

CLARK DE

FELIPE REMOLLO

JOLLY GOMEZ

LITTLE LEAGUE PHILIP

LITTLE LEAGUE PHILIPPINES

PALARONG PAMBANSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with