^

PSN Palaro

Phl Patriots masusukat ang tunay na kakayahan

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Makikilatis ang tikas ng AirAsia Philippine Patriots sa susunod na dalawang linggo sa paglipad nila sa ibang bansa upang ka­ha­rapin ang Singapore Sli­ngers at Chang Thailand Slam­mers sa kanilang road games.

Ang naunang limang la­ro ng Patriots ay ginawa sa Pilipinas at aminado si coach Glenn Capacio na hin­di gaano ang pressure na kanilang nararamdaman dahil sa suporta ng ma­nonood.

May 4-1 karta ngayon ang Patriots at kagagaling la­mang sa 86-72 dominasyon sa Westports Malaysia Dragons noong Linggo sa Yñares Sports Are­na sa Pasig City.

Nasa tuktok ng stan­dings sa walong koponang liga ang Patriots matapos matalo naman ang da­ting angat na Slingers sa Slammers, 56-66, sa over­time noong Linggo sa Thai-Japanese Association gym.

Dahil sa pangyayari ay na­niniwala si Capacio na mas determinadong kakasa ang Slingers sa kanilang la­ro sa Pebrero 12.

Magpapatingkad sa la­ro nila ay ang pag­kikita ng host team at ng kanilang dating Filipino im­port na si Al Vergara.  

vuukle comment

AL VERGARA

CHANG THAILAND SLAM

GLENN CAPACIO

LINGGO

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SHY

SINGAPORE SLI

SPORTS ARE

THAI-JAPANESE ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with