^

PSN Palaro

Pagunsan tatanggap ng PSA Presidential Achievement Award

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang ibigay kay golfer Juvic Pagunsan ang Presidential Achievement Award ng Philippine Sportswri­ters Association (PSA) sa nalalapit na Annual Awards Night sa Marso 3 sa Manila Hotel.

Ang 33-anyos na si Pagunsan ang naging unanimous choice ng sportswriting fraternity para sa nasabing ka­rangalan.

Siya ay kinilala bilang unang Filipino na tinanghal na Or­der of Merit champion.

Ang pro golfer mula sa Bacolod City ay ikinunsidera pa­ra sa Athlete of the Year award.

Subalit siya ay naungusan nina boxer Nonito Donaire Jr. at billiards’ world no. 1 player Dennis Orcollo.

Ilan sa mga nakatanggap ng PSA Presidential Achie­vement Award at sina boxing icon Manny Pacquiao, ang Philippine Azkals, four-time Philippine Basketball Asso­ciation (PBA) MVP Alvin Patrimonio, ang Ateneo Blue Eagles team, Senator Manny Villar at ang world wo­men’s trio champion na sina Liza Del Rosario, Liza Clu­tario at Cecilia Yap.

Inangkin ni Pagunsan ang Asian Tour Order of Merit title nang bumandera sa rankings sa kanyang kinitang $788,298 (P34 milyon).

Hinirang siya bilang Players’ Player of the Year ng Asian Tour Awards Gala sa Bangkok .

Noong 2011, tumapos si Pagunsan sa Top 10 sa Tai­wan Mercuries Masters, ISPS Singapore Classic at sa UBS Hong Kong Open.

ALVIN PATRIMONIO

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIAN TOUR AWARDS GALA

ASIAN TOUR ORDER OF MERIT

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETE OF THE YEAR

BACOLOD CITY

CECILIA YAP

PAGUNSAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with