PBA kumita ng P39 milyon sa ticket sales ng Philippine Cup

MANILA, Philippines - Nagposte ang Philippine Basketball Association ng P39 milyon mula sa tic­kets sales ng nakaraang 2011-2012 PBA Philippine Cup na nagtampok sa cham­pionship series ng nag­dedepensang Talk N’ Text at Powerade.

Tumaas ng 3 porsi­yen­to ang kinita ng professional league kumpara no­ong na­ka­raang season sa nasabi ring torneo.

Kumita ang PBA ng P38 milyon sa ticket sales ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kung saan naglaban sa semifinal round ang Talk N’ Text, Petron, Bara­ngay Ginebra at B-Meg.

“This is very encoura­ging for the league. And we owe it to our fans…they are the barometer of our success. The success of the Phi­lippine Cup is a testament that the fans enjoyed watching the games. Hopefully, we will have another banner year,” sabi ni PBA chairman Mamerto Mon­dra­gon ng Rain or Shine.

Nangako si Mondragon ng mas maaksyong mga la­banan sa nalalapit na 20­12 PBA Commissioner’s Cup, magsisimula sa Peb­rero 10.

Mga imports na may un­limited height ang itatampok sa naturang torneo na pi­nagharian ng Tropang Tex­ters noong nakaraang ta­on.

Sinabi naman ni Willie Mar­cial, ang PBA media bureau chief at assistant to the Commissioner, na tu­mabo sa 9 porsiyento ang total gross sales kumpara sa P36 milyong projected target earnings.

“We would like to emphasize that the split of ga­mes during the semi-fi­nals helped boost the con­ference’s gate receipts and attendance but more im­portantly, it provided a well-deserved exposure for the two powerhouse contenders (Talk N’ Text at Petron) and the two upcoming teams (Powerade at Rain or Shine),” ani Marcial.

Sa 2012 PBA Com­missio­ner’s Cup makikita si­na NBA veterans Dermarr Johnson (Barako Bull), Jake Voskuhl (Rain or Shine), Jelani McCoy (Me­ralco) at Nick Fazekas (Petron Blaze).

Magbabalik naman pa­ra sa Ginebra si 7-foot-1 im­port Chris Alexander, tu­mulong sa kanila sa pag-angkin sa 2008 PBA Commissioner’s Cup crown.

Ang iba pang imports na mapapanod ay sina da­ting Smart Gilas center at naturalized Marcus Douthit (Air21, dating Shopinas.com), Matt Haryasz (Alaska), Omar Samhan (Talk ‘N Text), Dwayne Jones (Po­werade) at Denzel Bowles (B-Meg).

Makakalaban ng Ba­rako Bull ang Alaska sa ga­nap na alas-5:45 ng ha­pon kasunod ang laro ng B-Meg at Meralco naman sa alas-7:45 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum sa Pebrero 10.

Show comments