Nepomuceno, pararangalan
MANILA, Philippines - Pararangalan ngayon ng Adamson University ang kanilang mga produkto na nagbigay ng karangalan sa paaralan at maging sa bansa sa iba’t ibang local at international competitions .
Pangungunahan nina sports legends Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno, Hector Calma at Filomeno ‘Boy’ Codiñera ang mga iluluklok ng Adamson sa kanilang Athletes Hall of Fame sa pang alas-2 ng hapong seremonya sa Adamson Theater sa San Marcelino campus, ayon kay athletics directress Malou Isip.
Ang awards ceremony ay bahagi ng pagdiriwang ng Adamson sa kanilang pang 80th Anniversary.
Pararangalan din sina basketball players Kenneth Duremdes, Marlou Aquino, Eddie Laure, Gherome Ejercito at Emelia Vega at maging sina softball head coach Ana Maria Santiago at track and field ace Djundi Binas.
Si Nepomuceno ay isang six-time world bowling champion at nagkampeon sa apat na World Bowling World Cup.
Sina Calma at Duremdes ay miyembro ng 25 Greatest Players ng PBA.
Kasalukuyang team manager ng Petron Blaze Boosters si Calma kagaya ni Duremdes sa Powerade Tigers.
- Latest
- Trending