^

PSN Palaro

Parker nagpasikat sa panalo ng Spurs kontra sa Thunder

-

SAN ANTONIO — Hindi naglalaro si Tony Parker sa isang All-Star invitation.

Ngunit ito ang kanyang ipinakita kahapon.

Umiskor si Parker ng 42 points at naging all-time franchise assists leader para sa San Antonio Spurs sa kanilang 107-96 paggiba sa Oklahoma City Thunder .

Ang 9 assists ni Parker ang tumabon sa dating assist record ni Avery Johnson sa Spurs history.

Si Parker, nasa kanyang pang 11 taon sa San Antonio, ay mayroong 4,477 career assists.

Nakasama si Parker sa grupo nina Kobe Bryant, Dwight Howard, Anthony Morrow at LeBron James bilang tanging mga NBA players na umiskor ng higit pa sa 40 points sa isang laro ngayong season.

Sina Bryant, Howard at James ay napili bilang All-Star starters, habang ang mga reserves ay ihahayag sa Huwebes.

“I would like to go again eventually,” wika ni Parker, isang three-time All-Star. “We’ll see what happens.”

Naglista naman si All-Star Kevin Durant ng 22 points at 11 rebounds para sa Oklahoma City (18-5).

Sa iba pang laro, tinalo ng Chicago ang Milwaukee, 113-90; binigo ng Philadelphia ang Atlanta, 98-87; pinayukod ng LA Clippers ang Washington, 107-81; giniba ng Orlando ang Indiana, 85-81; at iginupo ng Utah ang LA Lakers, 96-87.

ALL-STAR KEVIN DURANT

ANTHONY MORROW

AVERY JOHNSON

DWIGHT HOWARD

KOBE BRYANT

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

SI PARKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with