^

PSN Palaro

Ph Patriots aasinta ng panalo vs Dragons

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Masusukat uli ang lakas at determinasyon ng AirAsia Philippine Patriots sa pagharap sa Westports Ma­laysia Dragons sa 3rd ASEAN Basketball Lea­gue (ABL) ngayon gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ikaapat na panalo sa li­mang laro ang paglalaba­nan ng Patriots at Dra­gons sa alas-6 ng gabing tunggalian at tiyak na pupukpok ang magkabilang panig para tumatag ang kanilang pagtangan sa inookupa­hang pangalawang puwesto sa team standings.

Mula sa 76-62 panalo ang tropang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuango sa Saigon Heat noong nakaraang Miyerkules habang ang Dragons na ginagabayan ni Filipino mentor Ariel Vanguardia ay papasok mula sa 70-73 kabiguan sa Bangkok Cobras.

“This is a test of character. Tulad namin ay mayroong mahuhusay na imports ang Dragons at alam din nila ang laro natin dahil sa kanilang coach. Dapat ay magandang depensa ang ipakita namin para maipanalo ang larong ito,” wika ni coach Glenn Capacio.

Si Tiras Wade na nag­laro sa PBA bilang import ilang taon na ang nakalipas ay naghahatid ng 24.5 puntos 7.7 rebounds at 5.3 assists upang magsilbing puwersa ng koponan.

Ang kasama ni Wade na si Brian Williams ay naghahatid ng 21 puntos habang si Filipino import Patrick Cabahug ay mayroong 10 puntos average sa naunang apat na laro.

Samantala, kasaluku­yang naglalaban ang San Miguel Beer at Bangkok Cobras habang sinusulat ang balitang ito.

ARIEL VANGUARDIA

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEA

BRIAN WILLIAMS

GLENN CAPACIO

HARBOUR CENTRE

MIKEE ROMERO

PASIG CITY

PATRICK CABAHUG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with