^

PSN Palaro

Prince Hussein ng Jordan darating sa bansa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Darating sa bansa ang mga bigating bisita mula sa FIFA para saksihan ang Kasibulan Football na gagawin sa Calamba, Laguna mula Pebrero 9 hanggang 12.

Si Prince Ali Bin Al-Hussein ng Jordan na siya ring vice president ng FIFA ang tatayong panauhing pandangal sa pagbubukas ng torneo na para sa mga kabataang lalaki na edad 9 hanggang 17.

Ang torneo na itinataguyod ng Calamba Football Festival Organizing Committee sa pangunguna ni Joey Lina katuwang ang Philippine Football Federation (PFF) ay kakikitaan ng tagisan sa elementary at high school level.

 Ito ang unang proyekto sa PFF sa kanilang pinala­kas na grassroots program na magtatagal sa loob ng pitong taon at layunin nilang makabuo ng malakas na koponan na balak ilaban sa 2019 Under 17 World Cup.

 “Ang mga edad 9 hanggang 12 ay magla­laro sa elementary habang ang 13 hanggang 17 ang age group sa secondary. Umabot din sa 55 public at 4 na private schools ang nagpatala kaya’t nananabik kami sa kompetisyong ito,” wika ni Lina sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.

 Inaasahang makakasama ni Prince Al-Hussein sa opening ceremony sina POC president Jose Cojuangco Jr., PSC chairman Ricardo Garcia at PFF president Nonong Araneta.

 Bukod sa palaro ay magkakaroon din ng clin­ics at workshops na panga­ngasiwaan ng PFF at Laguna Football Association (LFA).

CALAMBA FOOTBALL FESTIVAL ORGANIZING COMMITTEE

JOEY LINA

JOSE COJUANGCO JR.

KASIBULAN FOOTBALL

LAGUNA FOOTBALL ASSOCIATION

NONONG ARANETA

PADRE FAURA

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

PRINCE AL-HUSSEIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with