^

PSN Palaro

Maquinto pumanaw na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pumanaw na si Karlo Maquinto ang boksi­ngerong kumulapso matapos ihayag ang nanalo sa kanilang laban kontra kay Mark Joseph Costa na nangyari noong Enero 28 sa Recom Dome, Amparo Subdivision sa Caloocan City.

Ang 21-anyos na si Ma­quinto ay idineklarang namatay na ng mga doktor na tumitingin sa kanya sa Far Eastern University (FEU) Hospital sa Fairview City sa ganap na alas-10:15 kahapon ng umaga.

Bumagsak ng dalawang beses si Maquinto sa first round pero tibay ng dibdib ang kanyang ipi­nakita nang natapos nito ang laban na inilagay sa walong rounds at nakahirit pa ng tabla kay Costa.

May anim na dikit na pa­nalo bago ang nasabing laban, nakatayo pa si Maquinto nang inianunsyo ang resutla ng laban bago unti-unting bumagsak dahilan upang agad na itong itinakbo sa ospital.

Hindi na siya naope­ra­han dahil sa sobrang pamamaga ng kanyang utak hanggang sa binawian ito ng buhay.

Si Gerry Peñalosa na siyang tumayong promoter ng laban na ang main event ay sa pagitan ng kanyang pamangkin na si Dodie Boy Peñalosa Jr. at Super­james Singma­nasak ng Thailand na nauwi sa first round KO panalo ng Fil­ipino boxer ay agad na tumungo sa ospital at nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga naulila ng boksingero.

Si Maquinto ang unang boksingero matapos ang limang taon na namatay sa ring dala ng head injury.

Ang huling nailista ay si Lito Sisnorio ng Kidapawan City na napatulog sa fourth round ni Chatchai Sasakul ng Thailand noong Marso 30, 2007.

Namatay siya ilang araw matapos dalhin sa os­pital.

Wala namang pananagutan ang sinuman sa pangyayari kay Maquinto dahil pasado siya sa medical at sumabak sa laban tangan ang matikas na 6-0 kasama ang 4 KOs.

AMPARO SUBDIVISION

CALOOCAN CITY

CHATCHAI SASAKUL

DODIE BOY PE

FAIRVIEW CITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

KARLO MAQUINTO

KIDAPAWAN CITY

MAQUINTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with